Negosyo Idea - Banana Crackers
Kamusta, mga ka-Negosyo! Kung naghahanap ka ng magandang negosyo na pwede mong simulan sa maliit na puhunan, heto ang isang magandang simulan – ang Banana Chips Business! Sa simpleng kilo ng saging (Saba), kalahating kilo ng pinong asukal, at mantikang pangluto, kayang-kaya mo nang simulan ang iyong sariling pangnegosyo. I-tuturo namin ang apaka daling proseso sa paggawa ng isang masarap at pweding pagkakitaang banana chips. Tara, at gumawa!
Mga sangkap na kailangan sa pag-gawa ng banana chips:
- ✓ 1 kilo green saging sa pagluluto (Saba)
- ✓ 1/2 kilo pinong asukal (refined sugar) ✓ at mantika (vegetable oil for cooking)
Processo sa pag-gawa:
- Balatan at hiwain sa maliliit na piraso ang saging saba.
- ibalut sa asukal ang mga nahiwang saging
- I-deep fry hanggang maging golden brown.
- Salain ang sobrang mantika gamit ang strainer
- Palamigin at I-pack ang mga nalutong saging sa pouch, at i-seal.
at voila! Ang paggawa ng banana chips ay talaga namang napakadali lang. Pero heto pa, pwede mo rin itong bigyan ng twist! Subukan itong i-deep sa chocolate o lagyan ng ibang flavored syrup bago i-seal at ibenta. Ang kitaan sa banana chips business, tamang-tama lang sa bawat negosyante na naghahanap ng masarap at madaling gawing produkto na tiyak na magugustuhan ng marami!


Comments
Post a Comment