Negosyo Idea - Shoe Polish
Hello, mga ka-Negosyo! Sino ba naman ang hindi gusto ng makintab na sapatos? Sa blog na ito, pwede ninyung subukang gumawa at magbenta ng sarili ninyung brand ng shoe shine. Isang potensyal na produkto na may malaking market, pwede sa mga studyante o di kaya sa mga nag o-opisinang required mag suot ng black shoes tulad ng mga government employees. Sa blog na ito ay aming ibabahagi ang mga steps sa kung paano ito gawin, ka kailanganin mo lang mag hanap ng mga raw materials na gagamitin tulad ng carnauba wax, montana wax, at iba pa.. Tara, at gumawa!
Mga sangkap na kailangan sa pag-gawa ng shoe polish:
- 49% carnauba wax
- 3% solubilized nigrosine base (oleate)
- 9% crude montana wax
- 15% paraffin wax
- 50% turpentine
- 20% benzene
Mga kagamitan sa pag-gawa:
- Kalan (Stove)
- Kagamitang pangluto kung saan ang temperatura ay pweding ma monitor (isang food grade thermometer ay pwede ring gamitin kung hindi available ang ibang gamit.)
- Maliit na lata o lalagyanang molde
Processo sa pag-gawa:
- Tunawin ang carnauba wax sa 90°C na init at tuloy-tuloy lang ang paghalo dito (stirring continuously)
- Magdagdag ng nigrosine base at pagkatapos ay montana wax.
- Magdagdag ng paraffin wax, hayaan itong tuluyang matunaw.
- Ibaba ang temperatura ng init sa 82-83°C. Magdagdag ng turpentine ng pa unti-unti habang patuloy na hinahalo ang timpla.
- Magdagdag ng benzene. Ibaba ang temperatura sa 50°C.
- At pang hulu, ibuhos ang timpla sa mga lata or molde.
Upang ma promote ng maigi ang iyong negosyong black shoe shine, mainam na kilalanin mo muna ang iyong Target Audience. Alamin at intidihin ang iyong target na mga customer. (Studyanti, mga trabahanti na nag o-opisina atbp.) Wag kalimutan ang “Online Presence” gumawa ng fb, tiktok, IG or propesyonal na website at gamitin ang mga ito para sa pagpapakilala ng iyong brand. Pwede ring mang-hikayat ng mga customer sa pamamagitan ng initial na promosyon o diskwento lalo na pag nag sisimula ka palang magpakilala.
at kung kailangan niyo ng tulong pano magkaron ng sarili ninyung ecommerce platform, contact lang po kayu sa amin at kayu po ay aming tutulungan. Sana nakapag bigay idea sa inyu ang blog na ito! Maraming salamat sa pag babasa!


pa tulong naman po po gumawa ng e-commerce platform,
ReplyDeletesent you an email sir.
Delete