Negosyo Idea - Banana Flour
Hello, mga ka-Negosyo! pwede palang gawing harina ang saging saba? Oo naman. Narito ang mga kailangan at steps sa pag gawa ng harinang saging na pupwede mong pagka kitaan.
Mga sangkap na kailangan sa pag-gawa ng Banana Flour:
- Magandang kalidad, ng halos hinog na saging (saba)
- 1% salt solution (1 kutsaritang asin na tinunaw sa 5 cups ng tubig). Siguradohing ang solusyon ay sapat upang ma cover ang saging habang nakababad.
- Mainit na tubig
Mga kagamitan sa pag-gawa:
- Wire trays
- Food Cabinet drier
- Grinder, strainer, or sieve
- Cooking utensils
- Airtight containers
Processo sa pag-gawa:
- Balatan at ibabad ang saging sa solusyon ng asin nang halos isang oras.
- Itapon ang tubig na pinagbabaran na may asin at i-blanch ang saging sa mainit na tubig sa loob ng 4 na minuto.
- Hugasan sa tap water ang saging.
- Hawaian ang saging siguro mga 1 mm na kapal, ibilad sa araw or dryer ng 60°C hanggang matuyo.
- Gilingin/I-blender ang pinatuyong saging, at salain.
- I-seal ang nagawang harinang saging sa airtight containers.
Upang ma promote ng maigi ang iyong negosyong banana flour, mainam na I-identify mo ang iyong magiging target customers (housewives, bakers etc.) Wag kalimutan ang “Online Presence” gumawa ng fb, tiktok, IG or propesyonal na website at gamitin ang mga ito para sa pagpapakilala ng iyong brand. Pwede ring mang-hikayat ng mga customer sa pamamagitan ng initial na promosyon o diskwento lalo na kung nag sisimula ka palang magpakilala sa merkado.
Kung sakialing kailangan niyo ng tulong pano magkaron ng sarili ninyung ecommerce platform, contact lang po kayu sa amin at kayu po ay aming tutulungan. Sana nakapag bigay idea sa inyu ang blog na ito! Maraming salamat sa pag babasa!


Comments
Post a Comment