Banana Ketchup - Business Idea

How To Make Banana Ketchup

Negosyo Idea - Banana Ketchup

banana ketchup business ideas

Kumusta mga Ka-Negosyo! Kung gusto mo ng masarap na negosyo sa maliit na puhunan, subukan gawin ang Banana Ketchup Business! Madali lang ito, Tara at gumawa ng saging ketchup!


Mga sangkap na kailangan sa pag-gawa ng banana ketchup:

  • ✓ 10 pirasong hinog na saging sa pagluluto (Saba)
  • ✓ 10 tasang tubig
  • ✓ 2 pirasong sibuyas
  • ✓ 1 clove garlic (bawang)
  • ✓ 2 tasang suka
  • ✓ 1 kutsarita katas ng calamansi o isang kurot ng citric acid
  • ✓ 1 kutsarang gawgaw (cornstarch)
  • ✓ 3 kutsarita ng asin
  • ✓ 1 tasang pinong asukal (refined sugar)
  • ✓ Atswetes seeds na ibinabad sa tubig (for food coloring)

Mga gamit na kailangan:

  • Cooking utensils
  • Blender
  • Sterilized containers

Processo sa pag-gawa:

  1. Balatan ang saging at hiwain ng maliliit.
  2. Pakuluan ang saging sa loob ng 10 minuto.
  3. Gawing Puree sa tubig ang pinakuluang saging.
  4. Hiwain ang sibuyas at durugin ang bawang.
  5. I-blend ang sibuyas at bawang sa natitirang sangkap maliban sa aswetes.
  6. Pakuluan ang pinaghalong pampalasa hanggang sa lumabas ang matapang na amoy.
  7. Ibuhos ang banana puree sa parehong lalagyan at pakuluan ang bagong timpla hanggang sa ito ay mag-sticky.
  8. Ibuhos ang astwetes mixture sa timpla hanggang sa mailabas nito ang gusto mong kulay.
  9. Ibuhos ang mainit na timpla sa container. I-lagay sa refrigerator(10°C ) para magamit sa hinaharap.

O diba, talaga nga namang ang dali lang pala gumawa ng sariling banana ketchup. pagkatapos mong ma basa ang blog post na ito, hindi mo lang nilikha ang isang sangkap na paborito sa kusina kundi isang pahayagan ng iyong kasanayan sa pagluluto (charing). Ang paggawa ng sariling ketchup ay hindi lang tungkol sa pag-save ng pera kundi pati na rin sa pagbibigay buhay sa mga tradisyunal na lasa na pamilyar sa ating mga puso. Kaya't huwag nang mag-atubiling simulan ang iyong negosyo ng banana ketchup at, hanap kalang ng supplier ng botte, at gawa ka ng sarili mong brand label at I-market mo muna sa mga taong malapit sayu, tulad ng kapit bahay niyo, mga personal mong kaibigan o kakilala, o kamag anak. Maging open sa feedback at mag improve sa sarili mong timpla at ibahagi ang saya ng pagluluto sa bawat boteng maibibinta. Sa bawat kagat, ito'y hindi lang ketchup, kundi kahulugan ng pagkaka-isa at pagmamahal sa pagkain. Iba't ibang lasa, isang puso.

Comments