Banana Jam- Business Idea

How To Make Banana Jam

Negosyo Idea - Banana Jam


Hello, mga ka-Negosyo! Kung naghahanap ka ng simpling producto na pwede mong simulan sa maliit na puhunan, heto ang isang ring magandang simulan – ang Banana Jam Business! Sa simpleng hinog na saging, refined sugar, calamansi at orange juice, kayang-kaya mo nang simulan ang iyong sariling pangnegosyo. I-tuturo namin ang apaka daling proseso sa paggawa ng isang masarap at pweding pagkakitaang banana Jam. Tara, at gumawa!


Mga sangkap na kailangan sa pag-gawa ng banana jam:

  • ✓ 6 na pirasong hinog na saging
  • ✓ 22 kutsaritang pinong asukal
  • ✓ 8 kutsaritang katas ng calamansi
  • ✓ 25 kutsaritang orange juice

Mga kagamitan sa pag-gawa:

  • Mixing utensils
  • Cooking utensils
  • Sterilized jars

Processo sa pag-gawa:

  1. Hiwain ang saging sa maliliit na piraso (bite size) o di kaya ay I-mash.
  2. Paghaluin ang asukal, katas ng calamansi, at katas ng orange sa saucepan. Haluin hanggang ang asukal ay matunaw.
  3. I-add ang saging at pakuluan ito hanggang ang timpla ay umabot sa Jam consistency nito, mag add ng kunting tubig kung kailangan.
  4. Ibuhos ang timpla sa mga sterilize na garapon at hayaang lumamig.
  5. I-seal at palamigin sa ref pagkatapos.

oh diba, madali lang gawin. Bagamat maraming paraan at istilo sa pag-gawa ng homemade banana jam, may mga video tutorials din sa youtube at online recipe websites. Ikaw na bahalang tumuklas ng sarili mong timplada ng banana jam. And importanti masimulan mo ang iyong negosyo ng banana jam business, hanap kalang ng supplier ng botte, at gawa ka ng sarili mong brand label at I-market mo muna sa mga taong malapit sayu, tulad ng kapit bahay niyo, mga personal mong kaibigan o kakilala, o kamag anak. Maging open sa feedback at mag improve sa sarili mong timpla.

Comments